-- Advertisements --

Nakatakdang kuwestiyunin ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang desisyon ng Commission on Election na kanselahin ang kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

Dagdag pa nito na wala pa silang natatanggap na kopya ng desisyon subalit desidido na sila na maghain ng motion for reconsideration dahil hindi pa final ang desisyon.

Giit nito na matagal na ito ng naninirahan sa first district ng Marikina at walang anumang material misreprsentation gaya ng binanggit ng Comelec sa pagkansela ng kaniyang COC.

Naniniwala ito na lalabas din ang katotohanan dahil mismo ang Comelec ang tumanggap sa kaniya bilang registered voters ng nasabing lugar.

Naniniwala ito na napulitika siya at hindi siya papayag na mamayagpag ang nasabing gawain.

Magugunitang katunggali niya sa nasabing puwesto sina Senator Aquilino Pimentel III at Marikina second district Representative Miro Quimbo.