-- Advertisements --

Nagpatupad na ng voluntary evacuation ang pamahalaang lokal ng Marikina kasunod ng pagtaas sa water level ng Marikina river na ngayon ay nasa 17.4 meters.

Sa report na inilabas ng Eastern Police District (EPD) patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya patuloy din ang pag akyat ng tubig.

As of 9:00 am kaninang umaga, nasa 596 pamilya na ang lumikas o nasa 2,724 indibidwal na kasalukuyang nananatili sa pitong evacuation centers.

Sa Malanday Elem. School nasa 170 pamilya o 803 indibidwal ang kasalukuyang nananatili.

Bulelak Covered Court- 182 families o 804 individuals

Nangka Elemenstary School – 41 families o 161 individuals

Sta Elena High School – 28 families o 130 individuals

C.I.S. – 89 families o 33 individuals

Tanong High School – 9 families o 33 individuals

H. Bautista Elem. School – 77 families o 384 individuals

Dalawang lugar sa Marikina ang iniulat na may pagbaha.

Sa ngayon, naghahanda na ang pamahalaang lokal para sa gagawing forced evacuation.

Ayon sa PAGASA, magiging maulan pa rin sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon ngayong Linggo dahil pinalalakas ng bagyong Josie ang hanging habagat.