-- Advertisements --
Itinaas sa ikalawang alarma ang Marikina river matapos tumaas pa ang antas ng tubig dahil sa matinding pag-ulan dala ng bagyong Enteng at Habagat.
Sa ilalim ng ikalawang alarma, ang water level sa ilog ay lagpas na sa 16-meter level kayat pinapayuhan na ang mga residente na lumikas.
Ayon sa Marikina City Public Information office, pumalo na sa 17.1 meters nitong 9:40am. Base naman sa datos kaninang 12:48pm, bumaba na ito sa 16.6 meters.
Sa oras na umabot sa ikatlong alarma o 18 meters ang antas ng tubig sa Marikina River, isasagawa na ang force evacuation sa mga residente.
Ayon din sa lokal na pamahalaan ng Marikina, nakabukas na ang lahat ng 8 gates ng Manggahan Floodway.