-- Advertisements --
Itinaas ang alarma sa Marikina River matapos muling umakyat ang antas ng tubig sa gitna ng patuloy na pag-ulan dahil sa habagat na pinalakas ng Severe Tropical Storm Enteng nitong Miyerkules ng umaga.
Sa datos mula sa Marikina Public Information Office, umabot sa 15.4 metro ang antas ng tubig kaninang 3:30am.
Noong Lunes, umabot sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River sa 17 metro, ngunit kalaunan ay humupa ito.
Kapag umabot na sa ikatlong alarma o 18 metro ang tubig nito, kailangan na ang force evacuation o sapilitang paglikas ng mga residente.