-- Advertisements --
Inanunsiyo ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na lahat ang mga northbound lanes ng Marilao sa Bulakan ay madadaanan na.
Ayon sa kumpanya na nitong madaling araw ng Marso 26 ng buksan nila ang apat na lanes ng Marilao Northbound.
Bagamat lahat ng mga lanes ay madadaanan na ay nananatili pa rin ang mga bakal na poste doon para sa tuluyang pagpapatigas ng mga nasementong bahagi ng daan.
Dahil dito ay umaasa sila na magiging maganda ang ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Magugunitang nabangga ng trailer truck ang Marilao Interchange Bridge noogn Marso 19 na nagdulot ng matinding trapiko sa mga dumadaan sa lugar.