-- Advertisements --
Mas bumagal sa nakalipas na mga oras ang Bagyong Marilyn habang ito ay nasa silangan ng extreme Northern Luzon.
Sa ulat ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huli itong namataan sa layong 1,045 kilometers sa silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong 55 kilometers per hour (kph) at may pagbugsong hanggang 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Samantala, nilinaw ng PAGASA na habagat ang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao at hindi ang mismong bagyong Marilyn.