-- Advertisements --
Bahagyang humina ang tropical depression Marilyn habang ito ay nananatili sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huli itong namataan sa layong 1,215 km silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Samantala, maliban sa tropical depression Marilyn, may isa pang bagyo sa silangan ng Pilipinas.
Mayroon ding hiwalay na low pressure area (LPA) na maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo.