-- Advertisements --

Napanatili ng tropical depression Marilyn ang taglay nitong lakas ng hangin habang nasa silangan na ng Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,070 km sa silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo ng pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Hindi ito tatama sa lupa ngunit palalakasin pa rin ng bagyo ang hanging habagat.