Itinigil na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pagtanggap ng registration para sa mga pampasaherong bangka na gawa sa kahoy.
Sinabi ni MARINA officer-in-charge Administrator Narciso Vingson Jr., na ang hakbang ay base na rin sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Dagdag pa nito na kapag hindi nila ginawa ang pagtigil ay magtutuloy-tuloy ang paggawa ng mga bangka na gawa sa kahoy.
Ititigil na rin ng MARINA ang pag-renew ng mga registration ng mga kasalukuyang wooden-hulled passenger boats.
Maire-renew lamang ang nasabing bangka kung ito ay gawa sa fiberglass o steel-hulled.
Lumabas ang desisyong ito ng DoTr matapos ang naganap na paglubog ng dalawang bangka sa Guimaras at iloilo na ikinasawi ng mahigit 30 katao.