ILOILO CITY – Dumating na sa lungsod sang Iloilo ang national investigating team ng Maritime Industry Authority upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring trahedya sa Iloilo Strait.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Roel Pador, Senior Shipping Operations Specialist ng Maritime Industry Authority, sinabi nito na nag-umpisa na ang imbestigasyon ng national investigating team hinggil sa nangyaring trahedya.
Ayon kay Pador, aalamin kung bakit pinahintulutan ng Philippine Coast Guard-Iloilo na makapagbyahe ang mga sasakyang pandagat kahit na masama ang lagay ng panahon.
Maliban dito, aalamin rin ng national investigating team kung bakit umabot sa tatlong pumpboat ang tumaob noong Agosto 3.
Napag-alaman na naunang tumaob ang MB Chi-Chi at MB Keziah 2 na sinundan naman ng MB Jenny Vince.