-- Advertisements --

Inilunsad ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang blockchain-enabled online certification system.

Kasunod ito sa pagkakabiktima ng nasabing ahensiya ng data breaches kabilang ang apat nilang web-based systems.

Sinabi ni MARINA Administrator Sonia Malaluan na ang nasabing bagong online certification system ay secure at hindi basta mapapasok ng mga computer hackers.

Dagdag pa nito na ang ang database ay hinati sa mga blocks kung saan hindi otomatikong makakapasok ka agad sa buong database.

Tiniyak din sa kanila ng MARINA’s Management Information and Systems Service (MISS) na gumamit na sila ng two-factor authentication at tanging mga kliyente lamang ng MARINA ang papayagang makapagrehistro at makagamit ng nasabing programa.