-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinayagan na ng Maritime Industry Authority ang mga pumpboats na may rutang Iloilo- Guimaras and vice versa na maglayag 24/7.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Guimaras Vice Gov. John Edward Gando, sinabi nito na hiniling nila kay Maritime Industry Authority Administrator Vice-Admiral Narciso A. Vingson Jr., na pahintulutan na makapagbiyahe ang mga pumpboats.

Nungit ayon kay Gando, para lamang ito sa mga sitwasyong may emerhensiya o kapag may pasyente.

Sinabi rin ni Gando na kailangan ding ibigay ng mga pumpboat operators sa Philippine COast Guard ang pangalan ng mga motorbanca na naka stand sa oras ng kagipitan.

Ang nasabing mga pumpboats ay naka-stand-by mismo sa Buenavista at Jordan wharf sa Guimaras.