Sinibak na sa puwesto ang regional director ng Maritime Industry Authority (Marina)dahil sa grave misconduct at gross negligence of duty na may kaugnayan sa paglubog ng MTKR Princess Empress.
Ang nasabing insidente noong Pebrero ng nakaraang taon ay nagdulot ng malawakang oil spill na nakasira sa marin ecosystem ng Oriental Mindoro.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista na kaniyang inatasan si MARINA administrator Sonia Malaluan na agad na ipatupad ang dismissal ni Region 5 Director Jaime Bea.
Giit ni Bautista na mararapat na managot si Bea sa insidente dahil sa kaniyang kapabayaan.
Inaprubahan ni Bea ang Certificate of Ownership at Certificate of Philippine Registry ng Princess Empress na hindi sumasang-ayon sa rules and procedures.