-- Advertisements --
Sinimulan na ng Maritime Industry Authority (Marina) ang kanilang imbestigasyon sa naganap na paglubog ng tatlong bangka sa Iloilo-Guimaras Strait na ikinasawi ng 28 katao.
Una ng sinuspinde ng ahensiya ang lahat ng mga operasyon ng motorbancas sa nasabing lugar.
Inatasan na rin ng Marina ang dalawang roll-on/ roll-off (Roro) vessels na dalasan ang pagbiyahe sa lugar para may masakyan ang mga pasahero.
Bumuo na rin ang regional office ng Marina ng help desk para sa makipag-ugnayan sa local government, Philippine Coast Guard, at Philippine Ports Authority.