Tinatahak ngayon ng bagyong Ofel ang Marinduque-Romblon area matapos ang ikatlong landfall sa vicinity ng Burias Island sa Masbate.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo dakong alas-4:00 ng hapon sa layong 125 km kanluran ng Juban, Sorsogon o 70 km silangan hilagang-silangan ng Romblon, Romblon.
Napanatili nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong 55 kph.
Umuusad ito pa-kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Batangas, southern portion ng Laguna o sa Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los BaƱos, Bay, Magdalena.
Nakataas din ang parehong warning signal sa central at southern portions ng Quezon partikular sa Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Calamian Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands.
Tinanggal naman ang warning signal sa Catanduanes at Sorsogon.
Ang tropical depression ay unang nag-landfall sa Can-avid, Eastern Samar dakong alas-2:30 ng madaling araw ay muli itong nag-landfall sa Matnog, Sorsogon dakong alas-6:00 at ang ikatlong landfall naman ay sa Burias Island, Masbate kaninang alas-12:00ng katanghalian.
Posible naman itong lumabas sa West Philippine Sea bukas ng umaga at lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes.
Dahil sa bagyo, mararanasan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa CALABARZON, Camarines Norte, Marinduque, Romblon at Mindoro Provinces.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Central Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila, Palawan, Cagayan, Isabela at nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Nagbabala pa rin ang Pagasa sa mga residente sa mababang lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.