Gagamitin sa pagbalangkas ng mas malakas na kaso laban sa China ang findings o resulta ng isinagawang marine resource assessment ng scientific team ng Pilipinas sa Pag-asa island ayon sa Philippine Coast Guard.
Isasama aniya ito sa mga ebidensiyang kinakalap ng Department of Justice (DOJ) para suporthana ang case buildup laban sa China para sa mga natuklasang environmental destruction at degradation sa naturang karagatan.
Ayon kay PCG Spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela na naipresenta na sa National Task Force West PH Sea ang findings ni marine biologist Dr. Jonathan Anticamara at kasalukuyang inaantay ang kaniyang opisyal na scientific study.
Bilang tumatayong lead agency sa naturang research assessment ang PCG at BFAR, sila ang pormal na magbibigay sa official findings sa NTF-WPS.
Gayundin, ibibigay din ang magiging findings sa Department of Justice na bahagi din n intergaency task force .
Una rito, nagsagawa sina Dr. Anticamara ng UP Institute of Biology at kaniyang team sa Pag-asa Cay 1,2 at 3 ng marine resource assessment sa Pag-asa 1,2 at 3 na nabibigay ng siyentipikong batayan sa pagkasira ng mga likas na yaman sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.