-- Advertisements --

Patay ang isang trainee ng Philippine Marine Corps habang nag-uundergo ng swim training sa Ternate, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nawalan ng malay habang nasa gitna ng swim training.

Agad naman umano na dinala ang trainee sa ospital ngunit hindi na ito nagkamalay.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima na mga trainee rin, walang hazing o pang-aabuso na naganap dahil ang training ay naka-focus lamang sa physical conditioning.

Sa pamamagitan ng ocular inspection, nakumpirma ng pulisya na ang mga pasilidad sa loob ng marine base ay ligtas at maayos.

Nagpadala ng pakikiramay ang Philippine Marine Corps sa pamilya ng trainee.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng autopsy na gagawin sa biktima.