Tutol ang bagong upong flag officer-in-command ng Phil. Navy na si Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo na humiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy.
Ayon kay Bacordo, magkarugtong ang bituka ng navy at marines dahil ‘di magiging epektibo ang nasabing unit kapag wala ang isa sa kanila.
Paliwanag ni Bacordo ang pagkakaiba ng marines sa army, lumulusob mula sa karagatan ang marines, at para magawa nila ito ay kailangan nila ang fleet ng navy.
Kinokonsidera naman aniya ng navy ang marines bilang kanilang pwersa para makontrol ang dalampasigan, kaya maige na manatiling magkasama ang navy at marines.
Kapwa pareho ang posisyon nina Bacordo at ang nagretirong navy chief na si Vice Admiral Robert Empedrad.
Dahil sa nasabing isyu nagkaroon noon ng hindi pagkakaunawaan sina dating Phil Marines Commandant Alvin PareƱo at Empedrad.
Sa nakabinbing HB 7304 at SB 1731, ipinanukala ang pagtatag ng sariling charter ng Philippine Marines na kahanay ng Army, navy at Air Force na mayroon na ring sariling budget.