Napanatili ng bagyong Maring ang kaniyang lakas habang tinatahak ang West Northwest ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa 410 kilometer Silangan ng Appari, Cagayan.
Mayroong lakas ito na hangi na 85kph at pagbugso ng 105 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal 2 ang Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon), Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Habang nasa signal number 1 ang mga sumusunod na lugar: Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa), the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands, at Calaguas Islands.
Patuloy ang pagbabala ng mga PAGASA na ipinagbabawal pa rin ang paglaot dahil sa lakas ng hangin at laki ng alon.