-- Advertisements --

Patay ang isang marino na lulan ng USS Theodore Rosoevelt aircraft carrier matapos dapuan ng coronavirus.

Inilipat ang nasabing biktima sa isolation area sa Guam matapos magpositibo ito noong Abril 9 subalit ito ay pumanaw nitong Abril 13.

Aabot kasi sa 500 na mga lulan ng nasabing aircraft carrier ang nagpositibo sa nasabing virus.

Magugunitang sinibak sa puwesto ang kapitan ng USS Theodore Roosevelt na nakatalaga sa Guam matapos na ibunyag sa publiko ang pagkakahawaan ng mga lulan ng carrier.