-- Advertisements --

Binasag na ng Aktres na si Maris Racal ang kaniyang katahimikan ngayong araw, Disyembre 6, kaugnay sa kinahaharap nitong kontrobersya sa co-actor nitong si Anthony Jennings.

Matatandaan na kumalat ang umano’y screen shot ng palitan nang mesahe ni Racal at Jennings sa social media ito’y matapos i-post ng dating kasintahan ni Jennings na si Jamela Villanueva ang naturang mga conversation.

Sa panayam kay Maris sinabi nitong nahihiya siya ng mabasa niya ang mga naturang conversation at pakiramdam nito ay nakahubad siya sa mata ng publiko kung saan ay pinag piyestahan ng mga netizen ang kaniyang mga pahayag sa naturang screen shot at nagkaroon pa ng iba’t-ibang mga ‘meme’ na lumabas na mas lalong nagpalala ng mga espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng hiwalayan nila ng Rivermaya vocalist at dati nitong nobyo na si Rico Blanco.

‘When I read it, I was gutted, I was shocked. I‘m truly embarrassed. Dahil nakita lahat ng tao yun without my consent–– against my will,’ pahayag ni Racal.

Naging emosyonal pa ang Aktres at sinabing ‘wala siyang ideya tungkol sa estado ni Anthony Jennings at sa kasintahan nito.

‘This is my side and I’ve been reading the screenshots. Dun ko napagtagpi tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya makarelease ng statement dahil sila pa pala this whole entire time. I didn’t know. I was in the dark. I had no idea,’ dagdag pa ni Maris.

Sa huli humingi ng tawad si Maris Racal sa publiko hinggil sa mga taong naging sangkot tungkol sa isyu at sinabing hindi siya nagpapa ‘victim’ para kaawaan ng mga tao.

‘To the public, I am sorry you got to see that very intimate side of me. Ganun talaga ako pag nabigay ng pagmamahal. It was supposed to be private. It was supposed to be a private, intimate thing,’ saad nito.

‘I can assure you tuloy pa rin ako. Tuloy pa rin ang laban. Magtratrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay yung apoy sa puso ko,’ dagdag ni Maris.