-- Advertisements --

Literal na bilang lang para kay Maris Racal at kapwa singer na si Rico Blanco ang agwat ng kanilang edad.

Maris and Rico

Ito’y kasunod ng pagkumpirma ni Racal sa wakas na higit sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho ang relasyon nila ng dating Rivermaya frontman.

Si Maris ay turning 25 years old pa lamang sa darating na Setyembre, habang si Rico ay 48 years old na.

Pero sa kabila ng 24-year age gap, minsang nag-post ang young singer ng birthday cake na may text na “age is just a number” na tila may kaugnayan ito tungkol sa kanila ni Blanco.

“Kami po ni Rico, uhm… I think, basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious,” saad nito sa virtual press con ng MMK.

Nitong Marso o ang birth month ni Rico nang unang ipinahiwatig ni Maris ang tungkol sa kanilang espesyal na pagkakaibigan, at ngayo’y inilarawan ng dalaga na “very obvious” naman.

Kabilang sa hit songs ng banda noon ni Rico Blanco ay ang “214,” “Umaaraw Umuulan,” “Kisapmata,” at iba pa.