-- Advertisements --
image 125

Matapos hilingin ni Ombudsman Samuel Martires na limitahan sa P1 million ang confidential funds ng kaniyang opisina para sa susunod na taon, inihayag ng Ombudsman na posibleng kumuha ng impormasyon mula sa ‘marites at tolits’ para i-pursue ang mga kaso ng korupsiyon.

Ginawa ng Ombudsman ang pahayag matapos na isumite sa Senado para sa approval ang P5.34 billion na panukalang pondo ng ahensiya para sa 2024.

Dito, ibinunyag ng Ombudsman na nakakakalap ito ng impormasyon mula sa mga miyembro ng press saka ito iva-validate kayat malaki aniyang tulong ang pagmamarites at tolits dahil sa pakunti-kunting chismisan ay nakakapulot aniya ng impormasyon

Inihalimbawa pa ng Ombudsman ang kaso sa umano’y maanomaliyang kasunduan sa suplay ng sibuyas na nakuha niya sa isang journalist.

Ang salitang marites ay ang slang na termino para sa chismis habang ang tolits naman ay ang pinaikling tol, anong latest?.

Matatandaan, noong Oktubre hiniling mismo ni Ombudsman Martirea kay Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara nalimitahan ang confidential funds ng kaniyang opisina sa P1 million hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2025 .

Ito ay mas mababa kumpara sa P51.469 million confidential funds na inisyal na hiniling ng anti-graft body sa ilalim ng National Expenditures Program (NEP)

Top