Mas paiigtingin pa ng Philippine Coast Guard ang kanilang maritime domain awareness pinakahilagang bahagi ng bansa sa Batanes.
Ito ang inihayag ni PCG Spokesperson Rear Adm. Armand Balilo kasunod ng isinagawang inagurasyon sa bagong bukas na monitoring station ng Pilipinas sa bayan ng Itbayat sa naturang lalawigan.
Aniya, ang pasilidad na ito ay makakatulong sa kanilang hanay para sa mas pagpapaigting pa sa maritime domain awareness sa naturang lugar.
Gamit aniya ang mga makabagong Communication equipment na inilagay sa naturang monitoring station gayundin ang mga itatalaga ng Technical personnel dito ay magagawang tiyakin ang seguridad, kaligtasan, at sitwasyon ng mga lokal na mangingisda na pumapalaot sa lugar.
Kung maaalala, una nang sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na nais niyang mas paigtingin pa ang presensya ng militar sa Batanes upang mas mapagtibay pa ang defense posture ng Pilipinas sa hilagang bahagi ng ating bansa laban sa mga banta na maaaring idulot ng anumang uri ng outside forces.