Nakukulangan ang isang maritime law expert sa aksyon ng pamahalaan sa mga paglabag ng China sa mga patakarang umiiral sa bansa.
Ilan sa mga ito ang pagdaan ng mga barkong pandigma ng Beijing sa karagatang sakop ng ating bansa.
Ayon kay Prof. Jay Batongbacal, director of the University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, hindi masasabing “innocent passage” ang aktibidad ng China.
Ang pagpatay umano sa pasilidad ng barko na magdedeklara ng identity nito ay malinaw na may pagnanais ang opisyal ng Chinese warship na ikubli ang kanilang presensya.
Matatandaang limang ulit nang naitala ang pagdaan ng mga bagrko ng Beijing sa Sibutu Strait.
Kaugnay nito, sinabi ni Batongbacal na kailangang maghanap ng ibang diplomatikong option ang Pilipinas sa mga development na ito at hindi lamang ang dati nang mga ginagawa, na hindi naman binibigyang bigat ng higanteng bansa.