-- Advertisements --
image 132

Muling iginiit ng Maritime Industry Authority o MARINA na nakakasunod sila sa standards na itinatakda ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers o STCW Convention.

Ayon kay Atty. Jabeth Dacanay, Chief of Staff ng Maritime Industry Authority kamakailan sa Laging Banda Public Briefing na nakapagsumite na aniya ang MARINA ng kanilang compliance report sa European Community.

Naghihintay na lang ani Atty Dacanay sila ng pasya kaya’t wala aniyang dapat ikabahala ang mga Marinong Pinoy sa posibilidad na mawalan sila ng trabaho.

Pagtiyak ni Dacanay, patuloy na ginagawa ng MARINA gayundin ng Commission on Higher Education (CHED) at ng iba pang ahensya ng gobyerno ang kanilang trabaho upang makatupad sa mga obligasyon sa convention.

Aminado naman ang MARINA official na nagkaroon ng auditing sa kanilang Maritime Education Training and Certification System at may mga nakita ngang deficiencies sa kanilang pagpapatupad ng international regulation.