Aminado ang pamunuan ng Maritime Industry Authority na kulang ang kanilang kapasidad at kakayahang i monitor ang mga barko na naglalayag sa mga karagatan.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng naging paglubog ng MT Jason Bradley noong July 26 sa Mariveles, Bataan.
Batay kase sa paunang imbestigasyon , lumalabas na ang naturang barko ay nagpalit ng pangalan mula sa dating pangalan na ‘Dorothy 1’ .
Dati na itong napatawan ng MARINA ng warrant of seizure.
Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa naging pagdinig sa senado, malaki ang posibilidad na nagpalit ito ng pangalan para umiwas sa mga pananagutan sa batas.
Ayon naman kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, sa ngayon ay wala silang ideya hinggil sa seizure order laban sa ‘Dorothy 1’ .
Giit ng opisyal, wala silang kapasidad na ma monitor ang mga mahahalagang impormasyon ng barko partikular na ang pangalan o ng ownership ng mga ito.
Malaking hamon aniya sa kanila ang pagsubaybay sa mga ito lalo pat manual lamang ang pagsasagawa nila ng registration.