-- Advertisements --

Muli na namang ipinakita ng Pilipinas ang matatag nitong ugnayan matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng isang Maritime Partnership Exercise ng mga sasakyang pandagat nito sa may bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ay may layuning na mapalakas ang maritime cooperation ng Pilipinas at India at upang isulong ang mga kinakailangang pamamaraan pagdating sa rules-based order.

Kabilang sa mga barkong nagsamang maglayag ay ang BRP Ramon Alcaraz ng Pilipinas at INS Kadmatt ng mula sa India.

Kung maaalala, nito lamang araw ng martes ng dumating sa Port of Manila ang INS Kadmatt Indian Navy.

Ito ay isang klase ng anti-submarine corvette na bunuo mismo sa nasabing bansa.

Ginawa ng Pilipinas at India ang Maritime Partnership Exercise sa WPS sa kabila ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo.