Matagumpay na nakapagsagawa ng maritime patrol ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sandy Cays ng Pag-asa island at resupply mission para sa mga mangingisda nasa Escoda shoal.
Ito ay sa kabila pa ng makailang ulit na radio challenge ng China Coast Guard vessel 5202 na nasa lugar.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, mahalaga ang Sandy Cays para sa PH dahil nagsisilbing fishing grounds ito para sa mga mangingisdang Pilipino sa Pag-asa island.
Kayat ang naturang pagpapatroliya sa naturang lugar ay patunay na walang katotohanang kontrolado ng China ang Sandy Cays.
Sa resupply mission naman ng BFAR sa Escoda shoal na tinawag na ‘Bayanihan sa Karagatan’, namahagi ito ng kabuuang 6.9 tonelada ng langis nang libre para sa mga mangingisdang Pilipino na namamalaot sa lugar. Tumulong dito ang mga personnel mula sa BRP Teresa Magbanua