-- Advertisements --
Pinaigting pa ng Pilipinas ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea sa gitna ng nakaambang banta ng China na pag-aresto sa mga dayuhang trespassers sa kanilang inaangking karagatan sa loob ng 60 araw epektibo sa Hunyo 15.
Ayon kay PH Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ipinaalam na nila ang naturang isyu sa kanilang partners at kaalyadong bansa.
Sinabi din ng opisyal na ang mga aksiyon ngayon ng PH Navy, AFP, PCG, BFAR at lahat ng iba pang maritime players ng gobyerno ng PH ay para pigilan ang katulad na sitwasyon.
Una na ngang pinawi ng PH Navy ang pangamba ng publiko at tiniyak na walang mangyayari dahil nakahanda ang mga awtoridad sa banta ng China.