Nagkasa ng joint Maritime Search and Rescue exercises ang mga Hukbong Pandagat ng Pilipinas, Estados Unidos, at Pransya sa bahagi ng West Philippine Sea noong Abril 28, 2024.
Sa kasagsagan pa rin ng isinagawang Multilateral Maritime Exercises ng Armed Forces of the Philippines, United States Indo-Pacific Command, at French Navy na bahagi naman ng nagpapatuloy na ika-39 na iteration ng Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipnas at Estados Unidos.
Ayon kay Combined Joint Information Bureau chief, LTCOL. John Paul Salgado, ang operasyon na ito ay bahagi ng mas malaking Multilateral Maritime Exercise ng Pilipnas kasama ang iba pa nating mga kaalyadong bansa na layuning mas mapaigting pa ang kooperasyon at koordinasyon ng mga ito bilang pagtugon sa Maritime emergencies.
Ito aniya ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng importansya ng Multilateral Partnerships upang tiyaking ang kaligtasan, seguridad, at operational readiness sa West Philippine Sea na sumasalamin din sa shared commitment ng mga ito para sa pagpapatupad ng Regional stability at Maritime safety.
Samantala, kabilang sa mga barkong nakilahok sa naturang pagsasanay ay BRP Ramon Alcarz, at BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy, ang USS Harper’s Ferry ng United States Navy, at ang FS Vendemiaire ng French Navy.
Una rito ay nagsilbing acting Officer Conducting Serial ang BARP Davao Del Sur na nagbigay ng Tactical commands sa FS Vendemiare, habang ang BRP Ramon Alcaraz naman ang nagsilbing Division Tactics and Office ng Watch Maneuver Exercise at Operational Box.
Sa naturang pagsasanay ay hinasa ang abilidad ng naturang mga Naval units na epektibong magtrabaho ng magkakasama para sa mas maigting na paghahanda para sa Maritime search and rescue operations.