-- Advertisements --
image 339

Handang handa na ang Maritime Security Law Enforcement Command ng Philippine Coast Guard sa posibleng banta ng bagyong si Mawar sakaling pumasok ito sa teritoryo ng bansa.

Sa oras na makapasok ang naturang bagyo sa Philippine Area of Responsibility ay papangalanan itong bagyong Betty.

Naka-alerto narin ang Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas at PCG District ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa agarang evacuation at rescue operations.

24/7 din ang pagbabantay ng kanilang ahensya sa mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng mga naglalayag na barko, bangka, at iba pang sasakyang pandagat.

Patuloy din nilang pinapaalalahanan ang mga tripulante at mangingisda hinggil sa pinakahuling lagay ng panahon para maiwasan ang anumang sakuna sa karagatan.

Suspendido na rin ang lahat ng byahe ng LCT Poseidon 17 at LCT Poseidon 35 ng ALD Sea Transport mula Padre Burgos, Southern Leyte patungong Lipata, Surigao simula ngayong tanghali May 26 dahil sa banta ng Super Typhoon.\

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye.