Isinusulong ngayon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang pagsasabatas ng Maritime Zones Bill bilang bahagi ng measure ng ating bansa na mas magpapatibay pa sa legal claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Deputy Assistant secretary Maria Elena Maningat ng DFA Maritime and Ocean Affairs, ang pagkakaroon ng maritime zones measure ay magpapakita na ang mga claim ng ating bansa sa WPS ay batay sa domestic law, maliban pa sa United Nations Convention of the Sea, at maging sa 2016 Permanent Court of Arbitration ruling.
Aniya, nakasalig din sa naturang bill na ang basehan ng ating bansa ay nakabatay sa baselines law at maritime zones law na nagbibigay-linaw naman sa posisyon ng Pilipinas sa naturang lugar at nagsasabi rin na ang sinumang mga intruder ay hindi dapat nanghihimasok sa ating teritoryo.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Maritime Zones Bill upang ito ay tuluyan nang maisabatas, habang ang Hague-based arbitration court naman ay kasalukuyan nang itinataguyod sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.