-- Advertisements --

Umaapela na ang mayor ng besieged city ng Mariupol ngayong araw para sa complete evacuation ng nasa 160,000 sibilyan sa gitna ng mga napapaulat na ilan na ang namamatay na dahil sa kagutuman,

Nagbabala si Mayor Vadym Boychenko na dumaranas ang kabisera ng Mariupol ng mas nakakapanlumong humanitarian catastrophe.

Aniya nananatiling trapped ang nasa 160,000 sibilyan sa kabisera na walang supaly ng kuryente, tubig at kapos na makakin at medisina.

Ayon kay Boychenko nasa 26 na buses ang nag-aantay para mailikas ang mga sibilyan subalit hindi pumayag ang russian forces na bigyan sila ng safe passage para makalikas.

Pinaglalaruan aniya sila ng Russian Federation dahil patuloy pa rin ang pag-atake ng Russian forces at tinatarget ang mga lumilikas na siblyan.