Idineklara na ng Russia ang panalo nito matapos ang ilang buwang pakikipaglaban para masakop ang port city ng Mariupol sa Ukraine.
Ayon sa Moscow officials, sumuko na ang nalalabing Ukrainian fighters na nagdedepensa sa Azovstal steel plant sa kabisera.
Ang naturang planta ang nagsilbing huling kanlungan ng Ukrainian forces para pigilan ang Russia na tuluyang makubkob ang kabisera na ngayon ay naiwang
Ang paglikas nitong Biyernes ang marka aniya ng pagtatapos ng itinuturing na most destructive siege ng giyera sa Mariupol dahil nasa kontrol na ng Russian armed forces ang underground facilities kung san nagtago ang mga sundalo ng Ukraine.
Kinumpirma naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na binigyan ng permiso mula sa military command ang nalalabing mga Ukrainian defenders na lisanin ang lugar para iligtas ang kanilang buhay.