-- Advertisements --
Balak ngayon ng actress na si Marjorie Barretto na magsampa ng kaso laban sa netizen na nagpakalat ng larawan ng anak nitong si Julia kasama ang actor na si Gerald Anderson.
Sinabi ng actress na malinaw na may malisya ang nagpakalat na larawan para siraan ang anak.
Makikita aniya sa larawan na naka-zoom-in ito para magmukhang magkasama ang anak at actor pero ang katotohanan aniya ay may mga iba pang kasama ang dalawa.
Reaksyon ito ni Marjorie sa kumalat na balita na ang anak nito ang dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at kasintahang si Bea Alonzo.
Base sa post ng isang netizen na nakita niya si Julia at Gerald na magkasama sa isang kotse sa isang okasyon sa Bonifacio Global City.