-- Advertisements --
Hindi makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao.
Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5.
Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na nagbigay ito ng anumang detalye.
Posible sa buong conference ay hindi makakapaglaro si Caguiao.
Magugunitang nakakaranas ng injury si Caguiao kaya naging limitado lamang ang kaniyang paglalaro noong nakaraang mga conference.