-- Advertisements --

Si Mark Carney na ang bagong itinalagang prime minister ng Canada at lider ng Liberal Party matapos manalo ngayong araw sa halalan. Nasa mahigit 150,000 party members ang bumoto para sa eleksyon.

Ang naging kalaban ni Carney sa posisyon ay si Chrystia Freeland na naging senior cabinet na sa Liberal government.

Dating Bank of Canada at Bank of England governor si Carney bago manalo bilang Prime Minister at itinuturing siya baguhan pa pagdating sa pulitiko.

Ngunit, naniniwala si Carney na siya ang pinakamagandang ipalit upang mas buhayin ang partido at para mangasiwa sa trade negotiations kay US President Donald Trump na nagbabanta magkaroon ng dagdag na taripa na lubhang makakaapekto sa export-dependent economy ng Canada.

Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang mga minister na nanatili sa kanilang mga posts sa kabila ng mga banta.

Dagdag pa niya na ang liberal party ang nagsisilbing boses ng kanilang komunidad para mas makatulong pa sa mga nangangailangan.

Matatandaan na noong Enero ay nagpahayag na si Justin Trudeau na siya ay bababa ng kanyang pwesto matapos ang siyam na tao paninilbihan.