-- Advertisements --

Nanumpa na bilang bagong prime minister ng Canada si Mark Carney.

Papalitan ni Carney si Prime Minister Justin Trudeau matapos ang pagbaba nito sa puwesto.

Si Carney na dating central banker ay hindi pa kailanman nanilbihan sa public office.

Magugunitang nitong Eneroy ng ianunsiyo ni Trudeau ang kaniyang pagbibitiw matapos na nakikitang matatalo na ang kaniyang partido na Liberal Party.

Pinasalamatan ni Trudeu ang mamamayan sa pagbibigay ng tiwala ganun din sa mga hamon para magsilbi ng tapat sa Canada.

Nahalal si Carney noong Marso 9 bilang Liberal Party leader.

Dating governor ng Bank of Canada at Bank of England si Carney kung saan umaasa ang mamamayan nito mapapaunlad nito ang ekonomiya ng Canada.

Magugunitang nagkaroon trade war ang Canada at US kung saan pinatawan ni US President Donald Trump ng mataas na taripa ang mga produkto ng Canada.