Binasag na ni Mark Herras ang kaniyang katahimikan tungkol sa mga kumakalat na balita sa umano’y relasyon nito sa singer at businessman na si Jojo Mendrez.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang video kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa isang hotel, at sumunod nito binigayan pa ni Mark ng bulaklak si Jojo habang ito ay nagpe-perform sa harap ng media.
Bukod dito, may nakita rin umanong letter ang staff ng hotel at nakalagay dito ang pagsusumamo umano ni Jojo kay Mark na kung maaari ay huwag na itong sumayaw sa gay bar.
Sa isang interbyu ipinaliwanag ni Mark ang tunay na relasyon nila ni Jojo.
‘Baka kasi nakakalimutan nila na I was raised by gay parents so hindi… kumbaga, kung sa kanila parang malaswa, sa akin, hindi siya masamang tingnan kasi pinalaki ako ng gay parents,’ paliwanag ni Mark.
Dagdag pa niya, ‘So, magaling at malaki ang respeto ko sa mga kapwa LGBTQ.’
Ayon pa kay Mark, nagpapasalamat siya sa lahat ng isyu tungkol sa kanya, kabilang na ang isyung sumayaw siya sa isang gay bar.
‘Yung mga tao na parang nagpapalaki ng isyu, thank you, ang dami kong trabaho. ‘Yung mga nangba-bash, actually, 21 years na ako sa showbiz so wala nang epekto sa akin ‘yon,’ ani Mark.
Paliwanag pa niya, ‘Kung ako mismo, hindi ko na binabasa or hindi ko na pinapanood ‘yung videos or kung anuman. ‘Yung asawa ko po ‘yung actually nagbabasa. Sabi ko, ‘huwag mo nang basahin, huwag ka nang mag-aksaya ng oras actually.’
Samantala nakatakda naman na maglunsad ng duet sina Mark at Jojo na may pamagat na “Somewhere In My Past.”