-- Advertisements --

Nagbigay ng suporta si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa pagbabalik sa bansa ng dating nobya na si Kris Aquino.

Sa social media account nito ay nagbigay siya ng pang-eenganyo sa tinaguriang “Queen of All Media”.

Dagdag pa nito bagamat masaya ito sa pag-uwi ay mabigat naman sa loob niya ang sakit na dinadala ng actress.

Ipinagdarasal niya ito para sa pagkakaroong komportable at magkaroon ng payapa ang actress.

Magugunitang nasa bansa na ang actress matapos ang dalawang taon na pagpapagamot nito sa autoimmunodisease niya sa US.