-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Siniguro ng Pinoy Professional boxer na makuha ang WBO International Featherweight Title matapos talunin ang kalaban nito sa under card bout sa Pacquiao-Ugas fight sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada kahapon oras sa Pilipinas.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Mark “Magnifico” Magsayo, ipinahayag nito na nagpapasalamat siya sa panginoon na binigyan siya ng lakas na talunin ang kalaban nitong Mexican boxer na si Julio Ceja.

Pinasalamatan din nito si Ceja na binigyan siya ng magandang laban.

Aminado si Magsayo na nasasaktan siya a sa tuwing tinatamaan siya ng suntok ni Ceja sa kanyang bodega ngunit nakayanan naman niya ito dahil sa training, pinasusuntok niya ang kanyang bodega.

Ayon kay Magsayo alam niyang makakatayo si Ceja ng matumba ito sa ginawa niyang hook sa first round dahil matibay din ang Mexican boxer.

Ipinahayag din nito na nakita ni coach Freddie Roach na sa tuwing natatamaan niya ng right straight ang kalaban bumabawi ito ng body attacks kaya inabisuhan siya na punteryahin ang bodega ng kalaban bago ang right straight na tumama sa ulo ni Ceja.

Dahil dito na knock out ni Magsayo si Ceja sa 10th round.

Sa ngayon, si Magsayo ang may record nang 23 wins 0 losses at 16 knockouts, na nagbigay ng pagkakataon sa kanya na makalaro at makuha ang WBC featherweight title na sa ngayon ay hinahawakan ng American boxer na si Gary Russel Jr.

Pinasalamatan din ni Magsayo ang lahat na nagdasal at sumuporta sa kanya, lalo na ang kanilang Alkalde sa Tagbilaran City at mga kababayan sa Visayas.

Pinayuhan rin nito ang mga aspirants sa boxing na magpatuloy sa training at sabayan ng pagdarasal upang makamit ang tagumpay.