-- Advertisements --

Nasa 100 percent ng handa si Filipino boxing champion Mark Magsayo laban kay Eduardo Ramirez ng Mexico.

Isa ang super featherweight fight ng dalawa bilang undercard sa main event sa pagitan ni Gervonta “Tank” Davis kay Frank Martin na gaganapin sa Las Vegas sa araw ng Linggo sa Pilipinas.

Si Magsayo ay mayroong 25 panalo at dalawang talo na mayroong 17 knockouts habang si Ramirez ay mayroong 28 panalo, tatlong talo, tatlong draw at 13 knockouts.

Mas mahaba ang reach ng 31 anyos na si Ramirez na may 70 pulgada kumpara sa 68 pulgada na reach ng 28-anyos na Pinoy boxer.

Ang nasabing laban ay unang pagkakataon para kay Magsayo kung saan umakyat na ito ng timbang sa 130 pounds mula sa dating 126 pound.

Sinabi ng kaniyang trainer na si Marvin Somodio na magiging kakaiban ang makikita ng mga boxing fans sa laban ni Magsayo.

Nakita nito na ang kakaibang lakas at bilis ng boksingero mula ng magpasya na umakyat ng timbang.

Huling lumaban si Magsayo ay noong Disyembre 2023 ng patumbahin sa ikatlong round si Isaac Avelar.

Sinabi ni Magsayo na ramdam niya ang pagiging komportable at lakas lalo na at hindi napapabayaan ang timbang mula noong huling laban sa Disyembre.