CEBU CITY – Sa pagharap sa tubong Bohol na boxer na si Jessel Mark Araula Magsayo sa ring laban ang Mexican boxer na si Julio Ceja ay siyang pagharap rin sa ama nito na si Judy Magsayu sa pag-alala nito sa anak sa undercard fight kahapon.
Ibinahagi ni Judy nga bata lang itong si Mark ay nakahiligan na nito ang boksing saan sa edad nga walong taong gulang na itong nagsimula at agad naman nadiskubrehan sa ALA Promotions sa ilalim ni Michael Aldeguer.
Sa nangyaring undercard fight sa Pacquiao – Ugas bout kahapon ay matagumpay na napatumba ni sa kanyang anak ang boksidor na galing sa Mexico na si Ceja sa ika-10 round.
Nakuha ni Mark ang WBO International featherweight title sa boxing match na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Dalawang solid na kanang kamao ang pinakawala ni Mark na tumama naman sa panga at nagpatulog sa mehikanong boksingiro.
Dahil sa pagkapanalo, napanatili ni Mark ang kang undefeated career na may 23 panalo saan 16 nito ay mga knockout habang bumaba naman si Ceja sa pang-limang talo nito, saan may 32 panalo, isang draw, at 28 knockouts.
Ayun pa sa ama ni Mark na si Judy na kahit ito lang ay nagtitinda ng tinapay ay walang katapusang suporta ang kanyang ibinigay sa anak.