-- Advertisements --

Handang-handa na si dating Pinoy world champion boxer Mark Magsayo para sa laban niya kay Isaac Avelar ng Mexico.

Paglalabanan ng dalawa ang super featherweight division belt sa darating na Disyembre 9 sa Long Beach, California.

Aminado si Magsayo na isang matibay na boksingero si Aveilar kung saan itinuturing niya na ito na ang matinding boksingero na kaniyang makakaharap sa kaniyang boxing career.

Naniniwala ang PInoy boxer na kaya niyang talunin ang Mexican boxer at ang plano ay tapusin ng maaga ang laban.

Ang pag-akyat ni Magsayo sa super featherweight class ay isang pagbabalik niya matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo.

Itinuturing niyang mahalaga ang laban dahil sa magiging two-division world champion na ito pag manalo.

Pinanghahawakan niya noon ang WBC featherweight crown subalit natalo siya kay dating WBC super bantamweight champion Rey Vargas ng Mexico sa pamamagitan ng split decision noong Hulyo 9, 2022.

Sinubukan muli ni Magsayo na makabangon sa pamamagitan ng paghamon kay Brandon Figueroa para sa interim WBC featherweight belt subalit nabigo ito sa pamamagitan ng desisyon.