Umabot umano ng halos $22.6 milyon ang ginastos ng Facebook para sa kaligtasan ni Chief Executive Officer Mark Zuckerberg noong 2018.
Sa regulatory filing na inilabas ng kumpanya, nakita rito na $1 ang base salary ni Zuckerberg habang $22.6 milyon naman ang “iba” nitong compensation kung saan inilagay ito para sa kanyang personal na seguridad.
Halos $20 milyon ang napunta umano sa seguridad ni Zuckerberg at ng kanyang pamilya, mas mataas ng $9 milyon kumpara noong nakaraang taon. Nakatanggap din daw ito ng $2.6 milyon para sa kanyang pansariling paggamit ng private jets, kung saan ayon sa kumpnaya ay kabilang sa kanyang overall security program.
Nitong mga nagdaang taon ay kumakaharap ang Facebook matapos ang di-umano’y koneksyon nito sa impluwensya ng Russia noong 2016 US presidential election. Mas lalo pang uminit ang usapin tungkol dito ng lumabas ang rebelasyon na nakakuha ng personal data ang Cambridge Analytica mula sa milyon-milyong Facebook users nang walang pahintulot mula sa mga ito.
Samantala, mayroon namang $23.7 milyon si Facebook Chief Operating Officer Sheryl Sandberg noong 2018 kumpara sa $25.2 milyon noong nakaraang taon.
Sinabi naman ng Facevook na magbibitiw na sa kanyang pwesto si Netflix Chief Executive Officer Reed Hastings kung kaya’t hindi na ito pwedeng maging nominado para sa gaganapin na eleksyon ng kumpanya.
Kasabay nito ay ang pagkumpirma ng kumpanya na ino-nominate nito si Paypal senior vice president Peggy Alford bilang kapalit ni University of North Carolina President Emeritus Erskine Bowles.