-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Almonjahid Guiamal,36 anyos,may asawa,market guard at sugatan si Tonton Lavarias,25 anyos,binata,konduktor at mga residente sa Barangay Poblacion Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan na habang lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Provincial road ng Barangay Gli-gli Pikit Cotabato ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite Rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang habal-habal na motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Agad dinala ang mga biktima sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit ngunit hindi na umabot ng buhay si Guiamal at nasa kritikal ang kondisyon ni Lavarias na kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Pikit PNP sa motibo sa pananambang sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.