-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Surallah, South Coatabato ang kanilang pagbabantay mula sa mga fish vendors na nagtatangkang palusutin ang mga isda at mga produkto nito sa loob ng bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Surallah Mayor Antonio Bendita, inihayag nitong naalarma siya nang ipinaalam sa kaniya ng isang barangay kagawad sa Barangay Libertad na nakalusot umano ang isda na naabutan ng hard lockdown mula sa satellite market sa Barangay Centrala.

Una rito, isinailalim sa hard lockdown ang naturang satellite market kung saan naka-isolate din dito ang may-ari ng delivery truck matapos nagpositibo sa rapid test at nakakaranas ng mild symptoms.

Kung matatandaan, nagpalabas ng executive order si Mayor Bendita na nagtatakda ng ilang medical requirements bago pumasok sa kanilang bayan.