Hindi pa rin kinaya ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz nang pahiyain sila sa kanilang sariling home court sa score na 130-116.
Itinuturing pa rin na sorpresa ang panalo ng Jazz na sa buong akala ng marami ay mahihirapan sa mga diskarte dahil sa pagkawala ng dalawa nilang veteran players.
Sa kabila nito nanguna sina Lauri Markkanen na may 27 points at 12 rebounds at ang Fil-Am player na si Jordan Clarkson na nagdagdag ng 20 points.
Tumulong din naman sina Kelly Olynyk na may 18 points at si Mike Conley na nagpakita ng 15 points at 10 assists para pumuwesto sila sa first-place dala ang 7-3 record.
Ang Lakers naman ay nasadlak sa 2-6 record matapos ang magkasunod na panalo.
Kinulang pa rin ang ginawang strong performance ni Russell Westbrook na may 26 points at six assists mula sa bench.
Si LeBron James naman na may dinaramdam na sakit sa kanyang kaliwang paa ay nag-ambag ng 17 points at 11 rebounds.
Nasayang din ang ginawa ni Anthony Davis na nagtapos sa 20 points matapos na kinapos ang Lakers mula sa solid performance ng Jazz hanggang sa huli.