-- Advertisements --

Inanunsiyo ng American rock band na Maroon 5 ang pagsisimula ng kanilang Asia 2025 tour.

Magsisimula ang nasabing konsiyerto nila sa Mall of Asia Arena sa Enero 29.

Ito na ang pang-apat na beses na nagpunta sa Pilipinas ang banda kung saan ikinatuwa nila ang walang sawang suporta mula sa mga Pinoy fans nila.

Pagkatapos sa bansa ay didiretso sila sa Jakarta, Bangkok, Tokyo, Kuala Lumpur at sa Kaohsiung.

Nabuo ang banda noong 1994 sa pamumuno ng lead vocalist na si Adam Lavine kasama ang mga miyembro nas ina Jesse Carmichael, James Valentine, PJ Morton, Matt Flynn, Sam Farrar, Mickey Madden, at Ryan Dusick.

Ilan sa mga kantang pinaskita ng grupo ay ang “She Will Be Loved”, “Move Like Jagger”, “Sugar” at maraming iba pa.